Home NATIONWIDE Voter turnout sa Bicol region, makasaysayan – Comelec

Voter turnout sa Bicol region, makasaysayan – Comelec

LEGAZPI CITY – Itinuturing ng Commission on Elections (Comelec) na makasaysayan ang naging voters turnout sa Bicol Region para sa katatapos na halalan.

Batay sa datos ng Comelec, mula sa mahigit 4 milyong rehistradong botante, umabot sa 3.4 milyon ang aktwal na bumoto, na katumbas ng 85.12% voters turnout—isa sa pinakamataas sa kasaysayan ng rehiyon.

Pinakamaraming botante ang naitala sa Albay, na sinundan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon.

Kumpiyansa naman ang Comelec na matatapos sa loob ng araw ang canvassing ng mga Certificates of Canvass (COC). Tapos na rin ang transmission ng mga COC mula sa district at provincial levels, gayundin mula sa Special Geographic Areas at Local Absentee Voting.

Samantala, pito (7) na lamang na COC mula sa overseas voting ang hinihintay. Kabilang dito ang mula sa Portugal, Pakistan, Egypt, Iran, Russia, South Africa, at Poland.

Ayon sa Comelec, sabay-sabay na lamang isasagawa ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato upang maiwasan ang partial proclamation. Jocelyn Tabangcura-Domenden