Home NATIONWIDE Pagiging House prosecutors sa VP impeachment trial tinanggap nina De Lima, Diokno

Pagiging House prosecutors sa VP impeachment trial tinanggap nina De Lima, Diokno

MANILA, Philippines – Tinanggap nina dating senador Leila de Lima at human rights lawyer Chel Diokno ang alok na sumali sa panel ng mga tagausig ng Mababang Kapulungan para sa impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte.

Si De Lima, nominado ng ML Partylist, ay kinumpirmang inimbitahan ng House Speaker at agad pumayag. Ayon sa kanya, tungkulin niyang isulong ang katotohanan at pananagutan.

Samantala, si Diokno naman ay nominado ng Akbayan Partylist na siyang naghain ng unang reklamong impeachment, at buong suporta ang ibinibigay nila sa proseso.

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang paglahok ng dalawa, dahil sa kanilang legal na husay at paninindigan sa katarungan.

Aniya, hindi ito tungkol sa politika kundi pagtupad sa konstitusyonal na tungkulin, at makatutulong ang presensya nina De Lima at Diokno upang maging patas at makabuluhan ang paglilitis. Gail Mendoza