MANILA, Philippines – Sinabi ni Senator-elect Kiko Pangilinan na ang gutom ay walang kulay at nangangailangan ng agarang aksyon.
Ito ang naging pangako ni Pangilinan sa kanyang pagtakbo sa Senado na tututukan ang adbokasiya sa food security.
“Hunger has no color. Solutions have no color. Mercy waits for no one,” pahayag ni Pangilinan nitong Sabado, Mayo 17.
“I return to the Senate carrying with me not only the promises but also the objectives: to work, to serve and to stand for every Filipino who dreams of a better and more orderly tomorrow,” dagdag pa niya.
“Thank you for the trust. Now, it’s time to act.”
Hindi nakadalo si Pangilinan sa proklamasyon para sa mga nanalong senatorial candidates dahil kinailangan niyang dumalo sa graduation ng anak sa Estados Unidos.
Nakatanggap si Pangilinan ng 15,343,229 boto ayon sa national certificate of canvass. RNT/JGC