Home NATIONWIDE Duterte Youth proclamation pinasususpinde

Duterte Youth proclamation pinasususpinde

107
0

MANILA, Philippines- Hinimok ng abogado ng mga petitioner na kanselahin ang rehistrasyon ng Duterte Youth noong Linggo na suspendihin ang proklamasyon ng party-list hanggang sa malutas ang petisyon.

Sa kanilang orihinal na petisyon na inihain noong 2019, sinabi nina Reeya Beatrice Magtalas, Abigail Aleli Tan, Raainah Punzalan, at Aunell Ross Angcos na ang rehistrasyon ng Duterte Youth ay void ab initio (invalid from the beginning) sa kadahilanang hindi ito nakasunod sa public hearing requirements.

Si Ducielle Cardema ay nanumpa bilang kinatawan ng party-list noong 2020. Siya ay pinalitan ng kasalukuyang kinatawan, si Drixie Mae Cardema, matapos manalo muli ang party-list noong 2022.

Noong Marso, muling inungkat ng petisyoner ang uspain at hinimok ang Comelec na lutasin ang petisyon.

At ngayon, pormal na muling hinihiling ng mga petitioner ang suspensyon ng proklamasyon ng party-list pagkatapos ng 2025 elections, ayon na rin sa kanilang abogado na si Emil Maranon III ng Trojillo Ansaldo Maranon Law Office.

Ang mga nanalong party-list ay ipoproklama ng Comelec ngayong Lunes.

Ang Duterte Youth ay tumanggap ng pangalawang pinakamaraming boto sa partylist race kasunod ng Akbayan, at makakukuha ng tatlong kinatawan sa Kamara.

Noong Lunes ng umaga, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na dalawang nanalong party-list group ang hindi ipoproklama dahil sa mga nakabinbing kaso.

Hindi niya pinangalanan ang mga party-list group ngunit sinabing nanalo sila ng tatlo at isang pwesto. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here