Home NATIONWIDE Mga nanalong party-list hindi na magtatalumpati sa proklamasyon – Comelec

Mga nanalong party-list hindi na magtatalumpati sa proklamasyon – Comelec

150
0

MANILA, Philippines- Hindi na bibigyan ng pagkakataon na makapagsalita o mag-speech sa kanilang proklamasyon ang mga nanalong party-list, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Kaugnay nito, humingi naman ng paumanhin si Comelec Chairman George Erwin Garcia sa mga inning candidates ng mga party-list group.

Paliwanag ni Garcia, sa dami ng nanalong party-list ay masyadong magiging matagal ang proklamasyon.

Target kasi ng Comelec na matapos ang proklamasyon ng alas-5 ng hapon ngayong Lunes.

“Hindi po muna natin siguro mapapayagan na kaniya-kaniyang speech po dahil sobrang dami po nila 54 baka po maubos ang oras at panahon po natin yung mga miyembro po ng media total pagbaba naman nila pwede rin nyo po sila makausap, mainterview yung bawat isa and therefore or may pagkakataon naman sila makapagpasalamat din sa lahat, pagpapasensyahan po kung bakit hindi namin mafford na mapagbigyan ang lahat na makapag 5-minute speech manlang,” sabi ng poll chief.

Sa kauna-unahan naman aniyang pagkakataon ay papayagan ang bawat party-list group na magsama ng hanggang 10 kapamilya o taga-suporta sa entablado.

Samantala, 52 party-list lamang ang maipoproklama ngayong hapon na binubuo ng kabuuang 59 congressional seats dahil suspendido ang dalawang nanalong party-list group dahil sa nakabinbing kaso.

Nangako rin ang Comelec Division na reresolbahin ang kaso bago ang June 30. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here