Home ENTERTAINMENT Netizen, dinamay ang pagiging madasalin ni Jessy!

Netizen, dinamay ang pagiging madasalin ni Jessy!

Manila, Philippines – Kung si Luis Manzano mismo’y tinanggap na ang kanyang pagkatalo nang buong puso, ganoon din ang maybahay nitong si Jessy Mendiola.

Hindi nga pinalad si Luis na mahalal bilang Bise Gobernador ng lalawigan ng Batangas.

Gayunpaman, mukhang hindi dahilan ang kanyang pagkatalo para isantabi ang kanyang political aspiration.

Who knows, Luis might just spring back to action come 2028 elections!

By then, mas handa na siya–a lot more equipped to face the challenges ahead.

Siyempre, natural lang kay Jessy to feel bad when her husband didn’t make it.

Gayunpaman, kung ano ang pagkakakilala kay Jessy as an assertive person ay hindi ito nabago with the turn of events.

Tulad na lang ng pambabarag niya sa isang netizen.

Feeling kasi nito’y bigla raw naging maka-Diyos ang misis ni Luis.

Halatang nang-insulto ang netizen as the post ended with “hehe.”

Ayun, hindi ‘yon pinalampas ni Jessy!

Resbak ni Mrs. Manzano: “Dati na akong nagdarasal sa Maykapal.

Huwag n’yo sanang idamay pati faith ng ibang tao!”

What’s more important is Jessy’s relationship with her God–bagay na ‘di na natin saklaw! Ronnie Carrasco III