Home NATIONWIDE DOTr magpapatuloy sa pagtugis sa ‘rogue’ drivers, operators

DOTr magpapatuloy sa pagtugis sa ‘rogue’ drivers, operators

194
0

MANILA, Philippines- Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon nitong Lunes na magpapatuloy ang crackdown laban sa mga rogue driver at public utility vehicle (PUV) operators.

Tiniyak ni Dizon na ang mga lalabag ay mapapatawan ng mabilis na suspensyon.

Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ni Dizon na dalawang show cause order (SCO) ang inisyu kamakailan sa mga may-ari ng mga sasakyang sangkot sa pagbangga sa kalsada sa Quezon at Cavite provinces.

Awtomatikong sususpendihin aniya ang mga lisensya ng mga rouge driver at PUV operator habang naghihintay ng imbestigasyon.

Noong Mayo 16, ipinatawag at sinuspinde ng LTO ang lisensya ng driver at rehistradong may-ari ng isang sedan na sangkot sa maraming aksidente sa Noveleta, Cavite.

Napag-alaman sa inisyal na imbestigasyon na patungo sa Cavite City ang sasakyan nang bigla itong bumilis at bumangga sa isang sasakyan sa kabilang direksyon.

Pagkatapos ay pinabalik ng babaeng driver ang sasakyan kung saan natamaan ang mga pedestrian at isang poste ng ilaw bago lumiko patungo sa Noveleta proper kung saan siya bumangga sa isang nakaparadang tricycle at kasunod na nawalan ng malay.

Pinatawag noong may 12 at sinuspinde rin ng LTO ang lisensya ng isang truck driver na nasangkot sa aksidente sa lalawigan ng Quezon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng LTO, napag-alaman na ang trak ay patungo sa bayan ng Plaridel mula sa Atimonan nang pumalya ang preno habang pababa ng burol hanggang sa tumagilid ito at lumihis sa gilid ng kalsada. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here