Home NATIONWIDE Walang Pinoy na apektado ng COVID surge sa Thailand – PH envoy

Walang Pinoy na apektado ng COVID surge sa Thailand – PH envoy

146
0

MANILA, Philippines – Walang Filipino ang apektado ng pinakabagong pag-arangkada sa kaso ng COVID-19 sa Thailand, sinabi ni Ambassador Millicent Paredes ng Philippine embassy sa Bangkok.

Ang pahayag ni Paredes nitong Miyerkules, Mayo 21, ay kasunod ng ulat na tumataas ang kaso ng COVID-19 sa ilang bansa sa Southeast Asian, partikular ang Singapore, Thailand at Hong Kong.

“The good news is that we have not received any news that there are Filipinos affected by this surge of COVID-19 cases,” sinabi ni Paredes sa panayam ng Radyo 630.

“No one has reached out to us or told us that they are presently confined, so I would presume no one is affected,” dagdag pa niya.

Ani Paredes, mayroong 40,000 Pinoy sa Thailand. Karamihan sa mga ito ay mga guro na exposed sa mga tao partikular sa mga estudyante.

“We have not received any report, and I hope it remains that way. I hope our Filipino community doesn’t get affected because, as you know, there are around 40,000 Filipinos in the entire Kingdom of Thailand, most of whom are English teachers,” sinabi ni Paredes.

Naniniwala naman ang Ambassador na handa ang pamahalaan ng Thailand sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19.

Sa kabila nito ay hinimok niya ang mga Filipino sa naturang bansa na lumapit lamang sa embahada kung kailangan ng tulong.

Nauna nang siniguro ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa publiko na walang dahilan para maalarma sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang bansa sa Asya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here