Home NATIONWIDE Distribusyon ng honoraria target makumpleto ng Comelec ngayong linggo

Distribusyon ng honoraria target makumpleto ng Comelec ngayong linggo

280
0

MANILA, Philippines – Target ng Commission on Elections (Comelec) na makumpleto sa Mayo 23 ang pamamahagi ng honoraria para sa mga guro at iba pang poll workers na nagsilbi sa katatapos lamang na national at local elections.

Sinabi ni Garcia na ang distribusyon ng honoraria sa pitong rehiyon ay 100 % na habang sa National Capital Region (NCR) ay nasa 70%.

Ayon kay Garcia, ang mga rehiyon na nakakumpleto na ng pagbabayad ng allowances para sa poll workers ay ang Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga at Negros Island Region.

Sinabi ni Garcia na ito ang reaksyon sa panawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)-NCR Union para sa “immediate release” ng honoraria para sa miyembro ng electoral board na nagsilbi noong May 12 elections.

Ang bilang ng poll workers noong midterm elections ay tinatayang nasa 758,549– karamihan ay mga public school teachers.

Nauna nang inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na inaprubahan ang karagdagang P1,000 across-the-board honoraria para sa mga guro at iba pang poll workers sa pagpapalabas ng P758.459 milyon.

Ito ay para sa P2,000 across-the-board compensation na inisyal na inaprubahan ng DBM na pinondohan sa ilaim ng 2025 General Appropriation Act. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here