Home NATIONWIDE Libreng legal na payo pwede na sa eGovPH app

Libreng legal na payo pwede na sa eGovPH app

360
0

MANILA, Philippines – Makakakuha na ng libreng legal na payo ang mga Filipino online gamit ang eGovPH app ng gobyerno.

Sinabi ni Public Attorney’s Office Chief Persida V. Rueda-Acosta na may mga abogado na sasagot sa mga tanong na ipapadala sa app, tulad ng ginagawa sa 24-hour hotline ng PAO.

May nakatalagang dalawang abogado at dalawang staff para sagutin ang mga katanungan, pero serbisyo lang ito kapag may naka-duty na staff.

Binanggit ni Acosta na mahalagang mabilis na masagot ang mga tanong tungkol sa batas dahil hindi lahat ng Filipino ay nag-aral ng batas, kaya kailangang maipaalam ang mga bagong batas at mga lumang batas sa publiko.

Inilunsad ng Department of Information and Communication Technology (DICT) noong Oktubre 2024 ang eGovPH app upang mas mapadali ang mga serbisyo ng gobyerno tulad ng pagpaparehistro ng negosyo, pagbabayad ng buwis, at pagkuha ng mga dokumento. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here