Home NATIONWIDE Senado magpupulong bilang impeachment court sa Hunyo 3

Senado magpupulong bilang impeachment court sa Hunyo 3

110
0
Pinangunahan ni Senate President Francis Escudero ang pagbubukas ng 3rd Regular Session ng 19th Congress na dinaluhan ng lahat ng 22 miyembro ng Senado.Ang mga ito ay magtutungo sa Kongreso para sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong hapon ng Lunes, Hulyo 22, 2024.Larawan kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines – Magpupulong ang Senado bilang impeachment court sa Hunyo 3, 2025 para maglabas ng summons at iba pang kaugnay na utos para sa impeachment trial ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte.

Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, tatanggapin ng Senado ang panel ng mga taga-usig mula sa Kamara sa Hunyo 2, isang araw bago mag-umpisa ang sesyon pagkatapos ng halalan sa Mayo.

Magsisimula ang paglilitis sa pagbasa ng pitong kaso ng impeachment sa isang bukas na sesyon bago ang pormal na pagdinig.

Noong Pebrero, iniharap ng Kamara ang impeachment laban kay Duterte dahil sa pagtataksil sa tiwala ng publiko, paglabag sa Saligang Batas, sabwatan sa pagpatay sa ilang opisyal, maling paggamit ng pondo ng gobyerno, panunuhol, at hindi pagsisiwalat ng lahat ng kanyang ari-arian. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here