Mahigpit ang ginagawang aksyon ng re-electionist Mayor Rex Gatchalian ng Valenzuela City laban sa ilang grupo ng gang sa lungsod.
Sa pagsisikap na mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa mga lansangan, inutusan ng alkalde ang Engineering Department na linisin ang mga kalsada at pader na namarkahan ng graffiti ng mga miyembro ng mga gang na ito.
Nilinaw din ni Mayor Gatchalian na kung may kabataang mahuling nagsasagawa ng mga naturang aktibidad, sila ay mananagot at ipapatawag sa kanyang tanggapan ang mga magulang upang harapin ang nararapat na asunto. Val Leonardo