Home NATIONWIDE Japan crime syndicate member arestado ng BI

Japan crime syndicate member arestado ng BI

260
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang mga high-profile target na umano’y bahagi ng isang Japanese crime syndicate.

Ayon sa BI, nahuli ng mga military intelligence group at Fugitive Search Unit ng ahensya ang mga suspek matapos ang ilang buwang pagbabantay at pagsasagawa ng magkahiwalay na operasyon sa Maynila at Bulacan.

Ibinunyag ni BI Fugitive Search Unit Chief Rendel Sy na naging malaking hamon sa kanilang hanay ang nasabing operasyon dahil pito ang target nilang maaresto.

“Nang makumpirma natin ang mga suspek, agad tayong nakipagtulungan sa San Jose del Monte Police Station at sa Ermita Police Station upang pasukin ang kanilang pinagtataguan,” ani Sy.

Ayon pa sa BI, ang mga suspek ay miyembro umano ng JP Dragon Syndicate, na itinuturing na isa sa pinakamalalaking grupo ng krimen sa Japan.

“Sinasabi rin na karamihan sa mga lider ng grupong ito ay dating miyembro ng Yakuza. Kaya mapapansin natin na ang dynamics ng kanilang organisasyon ay halos kapareho ng Yakuza. Ang Luffy Group Syndicate ay bahagi rin ng grupong ito,” dagdag ni Sy.

Ayon sa mga ulat, ang sindikato ay sangkot sa mga scam operation na target ang mga senior citizen sa Japan, at sa ilang kaso, humahantong ito sa pisikal na pananakit sa kanilang mga biktima.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa detention facility ng BI sa Bicutan. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here