Home NATIONWIDE Macacua, binati si bagong Chief Justice Zalameda

Macacua, binati si bagong Chief Justice Zalameda

3
0

COTABATO CITY, Philippines – Binati ni Bangsamoro Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua si Supreme Court Associate Justice Rodil Zalameda sa pagkakatalaga bilang ika-28 punong mahistrado ng bansa.

Sa pahayag ng pamahalaang Bangsamoro nitong Huwebes, ipinaabot ni Macacua ang kanyang “warmest congratulations” kay Zalameda sa ngalan ng regional government at ng mga mamamayan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Zalameda nitong Huwebes bilang kapalit ni Chief Justice Alexander Gesmundo, na magreretiro sa Biyernes, Nobyembre 6, matapos maabot ang mandatory retirement age na 70.

Bago naging miyembro ng Korte Suprema noong 2019, nagsilbi si Zalameda bilang prosecutor sa Mandaluyong City at mahistrado ng Court of Appeals.

Nagpasalamat din si Macacua kay Gesmundo sa kanyang mga taon ng paglilingkod sa hudikatura at sa sambayanang Pilipino. Ayon sa kanya, ang mga naiambag nito sa pangangasiwa ng katarungan ay “deserve our recognition and gratitude.”

“For the Bangsamoro, an independent and impartial judiciary remains essential to upholding the rule of law, protecting fundamental rights, and ensuring that justice is accessible to all, regardless of background or circumstance,” ani Macacua.

Hinihiling din niya kay Zalameda ang karunungan, integridad at “unwavering commitment to justice,” at umaasang lalo nitong mapatitibay ang tiwala ng publiko sa mga demokratikong institusyon ng bansa.

Nahalal si Macacua bilang chief minister noong Oktubre 30 sa inaugural session ng unang halal na Bangsamoro Parliament, kung saan nakakuha siya ng 51 boto.

Nagsilbi rin siyang interim chief minister matapos siyang italaga ni Pangulong Marcos noong Marso 2025.

Si Gesmundo ang ika-27 punong mahistrado ng bansa. Itinalaga siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril 2021. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here