Home METRO 60 bagong HIV cases naitala sa Caraga sa unang bahagi ng 2025

60 bagong HIV cases naitala sa Caraga sa unang bahagi ng 2025

290
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang DOH-Caraga ng 60 bagong kaso ng HIV mula Enero hanggang Marso 2025, na nagdala ng kabuuang bilang sa rehiyon sa 2,004.

Pinakamataas ang naitalang kaso sa Agusan del Sur (17), kasunod ang Surigao del Norte (15), Surigao del Sur (11), Agusan del Norte (10), Butuan City (6), at Dinagat Islands (1).

Ayon sa DOH-13, bunga ito ng mas pinaigting na HIV testing. Bahagyang bumaba ang case fatality rate mula 7.15% sa 7.14%. Hinihikayat ang publiko na magtungo sa HIV hubs sa rehiyon para sa konsultasyon at gamutan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here