Home ENTERTAINMENT Michelle Dee, nagulat sa pag-unfollow ni Chelsea Manalo; ‘Walang bad blood’

Michelle Dee, nagulat sa pag-unfollow ni Chelsea Manalo; ‘Walang bad blood’

157
0

Manila, Philippines — Nagtataka si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa biglaang pag-unfollow sa kanya ni Chelsea Manalo, ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2024 na kalaunan ay nagpasa ng titulo kay Ahtisa Manalo.

Ayon kay Michelle, sa pamamagitan pa ng isang common friend nila ni Ahtisa niya nalaman na hindi lamang siya, kundi maging si Ahtisa ay in-unfollow din ni Chelsea sa social media. Aniya, wala siyang maalalang dahilan, isyu, o negatibong komento na maaaring pagmulan ng anumang samaan ng loob.

“Todo suporta naman ako kay Chelsea,” saad ni Michelle. Gayunpaman, inamin niyang hindi sila nagkaroon ng sapat na pagkakataong magkausap o makapagkumustahan ni Chelsea noong at matapos ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2024 kung saan nanalo si Ahtisa.

“Basta, walang ‘bad blood’ as far as I’m concerned,” mariing paglilinaw ni Michelle, na anak ni Miss International 1979 Melanie Marquez.

Sa kabila ng kanyang paninindigan, marami ang naghihinala na ang isang kamakailang cryptic post ni Michelle sa social media ay maaaring patungkol kay Chelsea. Ang kanyang mensahe: “Practice what you preach.”

Hindi malinaw kung si Chelsea nga ang pinatutungkulan ng post, subalit hindi naiwasan ng netizens ang magtanong kung may hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga beauty queen.

Hanggang sa ngayon ay wala pang pahayag si Chelsea Manalo hinggil sa isyu.

— Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here