MANILA, Philippines – Panatilihin ng Land Transportation Office (LTO) ang suspensyon sa driver’s license ni motorcycle vlogger Yanna Aguinaldo hanggang maisuko niya ang motor na ginamit sa viral na road rage video.
Napanagot si Yanna sa reckless driving at paggamit ng motor na walang side mirrors.
Pinaghihinalaan din ng LTO na hindi rehistrado ang motor dahil wala itong plaka.
Tinanggap ni Yanna ang parusa ngunit nanawagan siya ng malinaw na pagpapatupad ng batas at hiniling na tutukan ang mas malalaking isyu sa kaligtasan sa kalsada.
Humingi siya ng paumanhin sa mga naapektuhan at sa komunidad ng mga rider, ngunit hindi siya personal na dumalo sa mga pagdinig ng LTO dahil sa alalahanin sa seguridad. Santi Celario