Home NATIONWIDE Parusa vs PUV drivers na naniningil ng doble sa matataba, ibinabala

Parusa vs PUV drivers na naniningil ng doble sa matataba, ibinabala

95
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga PUV driver at operator laban sa paniningil ng “double fare” batay sa laki, timbang, o itsura ng pasahero.

Kasunod ito ng mga ulat na ang mga overweight na pasahero ay sinisingil ng higit sa karaniwang pamasahe.

Ayon kay Chairperson Teofilo Guadiz III, labag sa batas at diskriminasyon ang ganitong gawain.

Hinikayat niya ang publiko na i-report ang anumang insidente sa LTFRB hotline 1342. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here