Home Uncategorized Rhian Ramos, bida sa kakaibang kontrabida role sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre”

Rhian Ramos, bida sa kakaibang kontrabida role sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre”

Isang bagong yugto sa kasaysayan ng Encantadia ang binubuksan ng “Encantadia Chronicles: Sang’gre” na ipalalabas sa GMA. Tampok dito ang kakaibang pagganap ni Rhian Ramos bilang si Mitena, ang ice queen na itinuturing ngayong pinaka-stylish na karakter sa fantaserye.

Ayon sa mga insider, si Rhian ang may pinakamaraming costume changes sa buong cast—isang detalye na talaga namang kabog sa kanyang mga co-stars. Bago pa man mabasa ang script, inamin ni Rhian na labis na ang kanyang excitement sa role. Matagal na rin umano siyang hindi nakagawa ng fantaserye, kaya’t naging mas makabuluhan para sa kanya ang pagbabalik sa genre.

“Mas masaya at mas challenging talaga ang mga kontrabida roles,” ani Rhian sa isang panayam. Nang masusing basahin ang script, mas lalo niyang naunawaan ang lalim at bigat ng karakter ni Mitena, lalo’t may makabuluhang backstory ang naturang papel.

Ang Encantadia Chronicles: Sang’gre ay nakatakdang mag-world premiere ngayong Hunyo. Matatandaang si Mark Reyes ang orihinal na direktor ng serye, subalit kalaunan ay napalitan sa hindi malinaw na kadahilanan.

Sa pagbabalik ng Encantadia universe, hindi maikakaila na isa si Rhian Ramos sa inaabangang bituin, na may potensyal na itaas pa ang antas ng fantaserye sa bansa. Ronnie Carrasco III