MANILA, Philippines – Umabot sa ₱1.1 trilyon ang kabuuang assets ng Pag-IBIG Fund noong Marso 31, 2025—tumaas ng ₱34.37 bilyon mula sa pagtatapos ng 2024.
Bunga ito ng malakas na pautang, matatag na ipon ng miyembro, at maingat na pamumuhunan.
Nagtala ang ahensya ng ₱776.52 bilyon sa equity at ₱133.06 bilyon sa investments.
Umabot sa ₱30.22 bilyon ang naipautang para sa pabahay, habang ₱40.41 bilyon ang nalikom na ipon sa unang quarter ng 2025.
Binibigyang-diin ni CEO Marilene C. Acosta ang layunin ng ahensya para sa digital access, inklusibong serbisyo, at abot-kayang pabahay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos. RNT