Home NATIONWIDE ITCZ magpapaulan sa Visayas, 8 pang lugar

ITCZ magpapaulan sa Visayas, 8 pang lugar

236
0

MANILA, Philippines- Magdudulot ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ngayong Linggo ng kalat na pag-ulan sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao at Luzon, base sa PAGASA.

Inaasahan sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, Mimaropa, Albay, Sorsogon, at Masbate ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ.

Makararanas naman ang natitirang bahagi ng Mindanao ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms.” 

Maaapektuhan ang natitirang bahagi ng Luzon ng easterlies.

Nagbabadya sa mga lugar na ito ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms.”

Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa Extreme Northern Luzon, at slight to moderate sa natitirang bahagi ng bansa. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here