Home METRO Bebot tiklo sa P.5M droga

Bebot tiklo sa P.5M droga

209
0

MANILA, Philippines- Arestado ang isang babaeng suspek na tinaguriang high value individual (HVI) na nakumpiskahan ng shabu at kush na nagkakahalaga ng kabuuang P493,780 sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City police bago maghatinggabi ng Biyernes, Mayo 23.

Sa isinumiteng report ni Taguig City police chief P/Col. Joey Goforth kay Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Joseph Arguelles ay kinilala ang nadakip na suspek na si alyas Catherine, 30, residente ng Barangay Hagonoy, Taguig City.

Ayon kay Arguelles, naganap ang pagdakip sa suspek bandang alas-11:55 ng gabi sa Barangay Santa Ana, Taguig City.

Sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng SDEU ay narekober sa posesyon ng suspek ang 67.1 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱456,280; 25 gramo ng hinihinalang marijuana kush na nasa halagang ₱37,500; drug paraphernalia; ₱500 buy-bust money na kasama ang ilang pirasong boodle money; at isang kulay puting motorsiklo na Honda Click na pinaniniwalaang ginagamit ng suspek sa kanyang operasyon sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Ang mga nakumpiskang ebidensya sa suspek ay dinala sa SPD Frensic unit para sumailalim sa chemical analysis.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng SDEU.

“This arrest is a result of precise intelligence, timely coordination, and the prompt execution of our operatives. The apprehension of a newly identified High-Value Individual and the seizure of a significant quantity of illegal drugs is a major step forward in our anti-drug campaign. I commend our personnel for their professionalism, vigilance, and dedication to protecting our communities from the dangers of illegal drugs,” ani Arguelles. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here