Home NATIONWIDE ‘Farm tourism’ palalakasin ng DA, DOT

‘Farm tourism’ palalakasin ng DA, DOT

256
0

MANILA, Philippines – Nakipag-ugnayan ang Department of Agriculture (DA) at Department of Tourism (DOT) upang isulong ang “food and farm tourism” sa bansa.

Layon ng inisyatibang ito na makahatak ng mas maraming dayuhang turista, pasiglahin ang lokal na turismo, at suportahan ang layunin ni Pangulong Marcos Jr. na buhayin ang mga ekonomiyang rural at lumikha ng trabaho sa kanayunan.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., may pondo para sa mga proyektong tulad ng organic farming, livestock, aquaculture, at mga pasilidad gaya ng farm-to-market roads at cold storage.

Binanggit din niya ang pondo para sa rehabilitasyon ng Banaue Rice Terraces. Inilahad naman ni DOT Secretary Christina Frasco ang apat na pangunahing haligi ng ugnayan: gastronomy tourism, pagpapalawak ng farm tourism, pagpapabuti ng imprastraktura at konektividad, at pagpapalakas ng local supply chains.

Bubuo ng technical working group upang magsumite ng roadmap sa loob ng anim na buwan, na magsisimula sa mga pilot areas tulad ng Bohol, Iloilo, at Benguet.

Pinagsamang kontribusyon ng agrikultura at turismo ay nasa halos 30% ng kabuuang employment sa bansa. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here