Home NATIONWIDE Hiring ng 16,000 bagong guro madaliin bago pasukan – grupo

Hiring ng 16,000 bagong guro madaliin bago pasukan – grupo

275
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang grupong ACT Teachers sa Department of Education (DepEd) na pabilisin ang pag-hire ng 16,000 bagong guro bago ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 16.

Ayon kay ACT Chairperson Vladimir Quetua, bagama’t ikinagagalak nila ang bagong teaching slots, higit sa 100,000 guro pa ang kinakailangan upang maabot ang mas maayos na class ratio.

Ibinunyag ni Quetua na umaabot pa sa 83 ang bilang ng mga estudyante kada klase at may mga paaralan sa Quezon City na nagpapa-klase kahit Sabado dahil sa kakulangan ng guro at silid-aralan.

Ipinunto rin niya ang kabagalan ng hiring process, kung saan umaabot ng ilang buwan bago ma-regular ang isang aplikanteng guro.

Kasabay nito, maglulunsad ang DepEd ng bagong Senior High School curriculum sa SY 2025–2026 kung saan mula 15 ay magiging 5 na lang ang core subjects.

Pabor dito ang ACT, ngunit iginiit nilang problema pa rin ang kakulangan sa libro at modules sa mga paaralan. RNT

 

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here