Home NATIONWIDE Higit 21,500 pulis ipakakalat sa NCR

Higit 21,500 pulis ipakakalat sa NCR

109
0

Mahigit 21,500 pulis ang ipinakalat sa buong Metro Manila bilang bahagi ng police visibility program ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na inilunsad noong Mayo 26, 2025 sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, sa pangunguna nina Interior Secretary Jonvic Remulla at NCRPO Director Maj. Gen. Anthony Aberin.

Kasama sa mga naitalang deployment:

12,539 sa beat patrols

2,989 sa administrative duties

2,944 sa mobile patrols

1,794 sa visibility posts

629 sa checkpoints

344 sa border control

293 sa MRT at LRT stations

Mayroon ding 240 community volunteers bilang dagdag na puwersa.

Layon ng programa na pagtugmain ang pagbaba ng krimen at ang patuloy na takot ng publiko. Mula Nobyembre 2024 hanggang Mayo 2025, bumaba ng 23.13% ang krimen sa rehiyon, pero ayon sa mga opisyal, hindi pa rin ramdam ng mga tao ang kaligtasan.

Ayon kay Remulla, hindi sapat ang statistics; dapat maramdaman ng publiko ang seguridad mula paggising hanggang pagtulog. Tutok ang mga pulis sa mga mataong lugar, at regular silang susuriin kung nasa tamang puwesto. Parurusahan ang mga lalabag sa tungkulin. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here