MANILA, Philippines – Nagbabala ang mga awtoridad sa mga residente ng La Castellana, Negros Occidental, lalo na sa mga mabababang lugar at malapit sa ilog, matapos ang pag-apaw ng putik sa Barangay Biak-na-Bato malapit sa Mt. Kanlaon dahil sa ilang araw na pag-ulan.
Hindi madaanan ang highway sa Sitio Tamburong dahil sa baha at naipong abo mula sa nakaraang pagputok ng bulkan.
Patuloy ang clearing operations at pinapayuhan ang mga biyahero na dumaan sa ibang ruta.
Nasa Alert Level 3 pa rin ang Kanlaon (magmatic unrest) at nagbibigay ng tulong ang mga lokal na ahensya. RNT