Home LIFESTYLE HEALTH Pinakaunang gamot sa Alzheimer, inaprubahan ng Australia

Pinakaunang gamot sa Alzheimer, inaprubahan ng Australia

234
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng Australia ang Donanemab, ang kauna-unahang gamot para sa Alzheimer’s disease sa bansa.

Ibinibigay ito sa pamamagitan ng buwanang pagbubuhos hanggang 18 buwan at nakatutulong pabagalin ang paglala ng sintomas sa mga pasyenteng may banayad na dementia.

Bagaman hindi ito lunas, nakapagpapabuti ito ng kalidad ng buhay.

Aprubado na rin ito sa UK at US ngunit hindi pa subsidized sa Australia at maaaring nagkakahalaga ng USD 40,000–80,000 bawat taon.

Binalaan ng mga eksperto ang posibleng side effects gaya ng pamamaga o pagdurugo sa utak. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here