Inatasan ng gobyerno ng Vietnam ang mga telecom provider na i-block ang Telegram dahil umano sa kabiguang makipagtulungan sa imbestigasyon ng mga krimen at sa paggamit ng app sa pandaraya, droga, at posibleng terorismo.
Ayon sa pulisya, 68% ng Telegram channels sa bansa ay lumalabag sa batas.
Nagulat ang Telegram sa hakbang at sinabing sumusunod sila sa mga legal na kahilingan.
Sa ngayon, maa-access pa rin ang app sa Vietnam.
Kasabay nito, nakatakdang bumisita si French President Emmanuel Macron sa bansa. RNT