Home NATIONWIDE DOH nagbabala vs sakit na nakukuha sa pabago-bagong panahon

DOH nagbabala vs sakit na nakukuha sa pabago-bagong panahon

262
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa mga sakit na maaaring makuha bunsod ng pabago-bagong lagay ng panahon.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, maaaring magdulot ng influenza-like illness (ILI) ang kasalukuyang kondisyon ng panahon, kahit pa mas mababa ang bilang ng mga kaso ng ILI sa taong ito kumpara noong kaparehong panahon ng 2024.

“Hindi dapat magpabaya ang publiko. Dapat manatiling maingat at mapagmatyag sa kalusugan,” pahayag ni Herbosa.

Nagbigay rin siya ng mga paalala upang makaiwas sa sakit:

-Ugaliing magsuot ng face mask sa mataong lugar

-Manatili sa bahay kung may sintomas ng sakit

-Takpan ang ilong at bibig kapag umuubo o bumabahing

-Siguraduhin ang maayos na bentilasyon sa tahanan

-Kumain ng masustansyang pagkain at uminom ng maraming tubig

Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center kung may nararamdamang sintomas

Samantala, ayon sa ulat ng PAGASA, asahan ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas, Mindanao, at Palawan dahil sa epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ). Maulap naman na may kalat-kalat na pag-ulan ang inaasahan sa ilang bahagi ng Luzon, kabilang na ang Metro Manila, bunsod ng Easterlies. — Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here