MANILA, Philippines – Pinatunayan ni Pinay ultramarathoner Kristine Berneth “Tin Possible” Dureco-Bugna na walang impossible at kaya niyang makamit ang national ultramarathon record.
Ito’y matapos mabasag ang sarili niyang Philippine Women’s 24-hour endurance run record sa oras na 23 hours, 14 minutes at 47 seconds sa loob ng 200 kilometro sa kakatapos lang na 24H Bangkok International Championships sa Thailand kung saan binasag rin niya ang sariling record na naitala niya nitong nakaraang taon sa IAU 24Hr Championships sa Thailand.
Dahil dito, nakuha niya ang 1st runner-up finish sa women’s category at 3rd overall pati na ang kampeonato sa women’s 24-hour team championship.
Ayon sa ultramarathoner at mother of two na si Bugna, challenging ang pagtahak sa pagtakbo na makaabot sa target na 200 kilometers sa loob ng 24 oras.
“Itong 24-hour ultramarathon, it takes place around the park at ikot-ikot na doon at hanggang sa matapos ang 24 hours, nag-compete ako sa Bangkok at doon sa race na ito, inikot kami sa isang park na ang sukat ay four kilometers. Ang klase ng ultramarathon ay parang wan-to-sawa.”, sinabi ni Bugna sa lingguhang Tabloid Organization in the Philippine Sports, Inc. (TOPS) Usapang Sports Forum.
Kasunod ng tagumpay na ito, nais ng 29-year old pride ng Capas, Tarlac, na ituloy ang kanyang pangarap na makapaglaro sa World Championships.
“That is my ultimate dream and that is a ticket for the World Championships. Its my first time for a Filipina na makatakbo ng 200 kilometers. Na-open pala ang possibilities na posible at kaya na rin ito. Ang naisip ko talaga is yung mga anak na they own witnesses sa bawat training at sa mga chores ko.”, wika rin niya sa forum na suportado ng Philippine Sports Commission, Pocari Sweat at Behrouz Persian Cusine.
“Ang pinaka-goal ko po talaga in the coming years is to join the World Championships of 24 Hours kasi gusto ko kasi mapataas ang antas ng ultramarathon dito especially for the girls.”
Bago nito, susunod na sasabak si Bugna sa paparating na Milo Marathon National Finals sa Clark, Pampanga sa darating na Disyembre.
Binigyang-diin din niya na nababagay rin sa anumang uri ng katawan mapa-lean or obese ang mga marathons upang ma-maintan ang healthy lifestyle.
“Sabi dati, you have to be petite to join those higher-level marathon competitions. That is not true. Any body type, basta magagawa ang training niyo maayos, you can compete, you can win.”, binahagi niya.
Tiwala rin si Bugna na makakaya niya na mahigitan ang record at makuha ang interes ng tao sa sport na ultramarathon running.
“Kaya pong higitan. Sa ngayon dahil di pa mainstream na sport, marami pang atleta na di pa nadidiscover, this is our stepping stone para mag-spark ang interest sa mga kababayan na kaya namin, kaya ko to.”, huling sambit niya.