MANILA, Philippines –Â Tumanggap ng mga iba’t ibang pagkilala ang Wushu Arena Philippines at Arena Fitness Dojo founder Coach Arra Jeuneze Corpuz dahil sa kanyang adbokasiya na makatulong sa mga PWDs at Seniors na mag-engage sa iba’t ibang combat sports gaya ng Traditional Wushu, Kung Fu at Aikido.
Kasama na rito ay ang Circle of Excellence Awardee for Young Leader of the Year ng Asia CEO Awards at awardee ng Global Women of Influence Awards at CSR Youth Awards at ang pagiging bahagi ng Zero Project.
Sa pamamagitan ng kanyang Movement is for Every Body principle, binibigyang-oportunidad at pagkakataon ang bawat Pilipino, anumang edad, abilidad at background na maturuan ng iba’t ibang sports na angkop sa active lifestyle at para makapagcompete sa iba’t ibang international competitions.
“Dahil sa aming social enterprise, medyo nakilala ako sa iba’t ibang award-giving bodies and forums dahil sa pagtulong sa mga PWDs at ang reach na rin towards different ages.”, sinabi sa lingguhang Tabloid Organization in the Philippine Sports, Inc. (TOPS) Usapang Sports Forum.
Nakamit rin ng grupo niya ang 36 medals sa IKUF International Traditional Wushu Championship na isinagawa sa online platform kung saan kasama sa naging judges si Corpuz.
“This year, nag-Hong Kong kami at na-recieved ng 30 medals at ang pinaka-latest sa IKUF, 36 medals. International competition na ginawa online. They come a long way at humakot ulit ng mga medalya ang mga bata. Dati isa o dalawa na routines ang ginagawa nila, ngayon umiikot na sila at nagtuturo na sila sa mga bagong classmates.”, wika niya sa Forum na suportado ng Philippine Sports Commission, Pocari Sweat at Behrouz Persian Cuisine.
Ibinahagi ni Corpuz na isa ring person with ADHD at ina na malayo na ang narating ng traditional wushu bilang paraan upang mapa-haba ang lifespan ng bawat tao.
“I think since traditional wushu is a life-long learning. Pati 80 years old, lumalaban pa at ang Tai Chi, ginagawa everyday. Itong Wushu ay makakatulong sa health and wellness. As they grow up, mas malaki ang matutunan nila balang araw. This is a good sport for longevity.”, huling sambit niya.
Patuloy na nagsasagawa ng mga clinics ang Wushu Arena Philippines sa Fisher Mall, Quezon City at sa iba’t ibang lokasyon sa Metro Manila na bukas sa mga nagnanais na maturuan ang sport na traditional wushu.