Home ENTERTAINMENT Miguel Tanfelix taga-deliver ng leche flan ng Ina!

Miguel Tanfelix taga-deliver ng leche flan ng Ina!

97
0

Manila, Philippines – Walang masama kung ang aktor na si Miguel Tanfelix mismo ang personal na nagde-deliver ng mga order ng leche flan na gawa ng kanyang ina, si Mommy Grace. Sa katunayan, minsan na raw nagulat ang isang customer nang mismong si Miguel ang dumating upang ihatid ang kanilang order—hindi akalain na isang sikat na artista ang magde-deliver.

Pero ano nga ba ang masama roon?

Hindi rin ba’t si Ryan Agoncillo ay tumutulong ding maghatid ng pagkain mula sa negosyong Angry Adobo ng kanyang misis na si Judy Ann Santos? At si Dingdong Dantes naman ay minsan ding nakikitulong mag-deliver ng bulaklak para sa negosyo ni Marian Rivera kapag may libreng oras.

Ngayon ay tila may mas maluwag na schedule si Miguel, lalo’t nakatakdang magtapos sa Hunyo 6 ang kanyang teleseryeng Mga Batang Riles (MBR). Habang isinusulat ito, posibleng natapos na niyang i-tape ang huling mga episodes ng nasabing palabas.

May mga usap-usapang pinaikli raw ang airing ng MBR dahil hindi ito umano masyadong nag-click. Subalit limang buwan din itong umere—na higit pa sa karaniwang tatlong buwang takbo ng isang regular na teleserye. Sa ganitong tagal, hindi ito maituturing na “flop.”

Pagkatapos ng MBR, mananatiling abala si Miguel bilang bahagi ng cast ng pelikulang KMJS: Gabi ng Lagim. At syempre, hindi rin mawawala ang kanyang suporta sa maliit ngunit masarap na negosyo ng kanyang ina.

Dahil sa sipag ni Miguel, siguradong lalong tatamis ang tagumpay ng leche flan ni Mommy Grace. — Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here