Home NATIONWIDE Maulap na kalangitan, pag-ulan asahan sa ITCZ at easterlies

Maulap na kalangitan, pag-ulan asahan sa ITCZ at easterlies

285
0

MANILA, Philippines – Tatlong weather system ang makakaapekto sa bansa ngayong Martes, Mayo 27.

Ayon sa PAGASA, ang Zamboanga Peninsula, Western Visayas, at Palawan ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ang frontal system naman ang iiral sa Batanes at Babuyan Islands na magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa ITCZ.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here