MANILA, Philippines – Dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) ang bumuntot sa Atin Ito Coalition habang patungo sa Pag-asa Island para sa civilian mission nitong Martes ng umaga, Mayo 27.
Sinabi ng Atin Ito na sinundan ng CCG 3306 at CCG 21549 ang Philippine civilian mission ship sa 54 nautical miles mula El Nido, Palawan.
“CCG 3306 is 3 NM from Atin Ito ship while the other one, CCG 21549, is 5 NM away from the Atin Ito ship,” sabi ng coalition.
Kapwa nagradio-challenge ang China at Pilipinas ayon sa Atin Ito.
Dumating sa El Nido ang mga volunteer mula sa Atin Ito nitong Lunes upang ilunsad ang ikatlong civilian-led mission sa West Philippine Sea (WPS) mula Mayo 26 hanggang 30.
Mahigit sa 150 katao ang sakay ng Ayon Ito M/V Kapitan Felix Oca kasama ang ilang volunteers, artists at kanilang crew, press at boat staff.
Layon ng grupo na iangat ang mga pamayanan sa baybayin sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga buhay na karanasan at adhikain ng kanilang mga mangingisda, at pagyamanin ang pagkakasundo sa rehiyon sa pamamagitan ng ibinahaging mga salaysay sa kultura at pandagat.
Ayon kay Atin Ito convenor Rafaela David, hindi sila maglalayag na may mga barkong pandigma, kundi may mga awit; hindi sa poot, ngunit sa pagkakaisa at pagkakaisa.
Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na ipinadala ang dalawa nilang barko, ang Melchora Aquino at BRP Malapascua upang eskortan ang civilian-led mission. Jocelyn Tabangcura-Domenden