Home NATIONWIDE Climate Change Awareness on Sustainable Fashion, inilunsad

Climate Change Awareness on Sustainable Fashion, inilunsad

119
0

MANILA, Philippines – Upang matugunan ang climate change o pabago-bagong klima inilunsad ang Runway modeling for Climate Wear na dinaluhan ng mga modelo at contestant mula sa ibat-ibang bahagi ng mundo.

Katuwang ang Climate Change Commission, inorganisa at itinatag ang task force upang hikayatin ang mga stakeholders at sustainable leaders para tumulong sa kanilang inisyatiba.

Ang Runway for Change ay nakatuon sa textile industry kung saan sa halip na itapon ang mga damit na hindi na ginagamit ay maaari itong gawing ‘upcycling’ para muli itong mapakinabangan gamit ang tattered clothing o punit-punit na damit na idinisenyo ng designers mula sa Baguio City gamit ang indigenous textiles tulad ng inabel.

Misyon ng Climate Change Awareness on Sustainable Fashion, na may temang “Runway Model Universe Philippines 3rd Edition” ang paglaban sa banta ng panganib sa marine environment saa taong 2050.

Pinangunahan ang aktibidad nila Commissioner Mr. Albert Dela Cruz, Climate Change Task Force of the Philippines, at Ms. Jennylyn De Los Santos, Capital Business Development Strategist at Chairwoman ng RMU 3rd Editionbat iba pang opisyal ang nasabing aktibidad.

Ayon kay CCTF, Albert Cruz, isa itong collaboration na layong tugunan ang biodiversity losses o ang pagkawala ng maraming marine life sa ating karagatan dulot ng mga damit na gawa sa synthetic fibers (tulad ng polyester, nylon, at acrylic) na nilabhan, at naglalabas ng maliliit na fibers na tinatawag na microfibers sa tubig. Ang mga microfiber na ito ay mga mikroskopikong piraso ng plastik.

Giit ni Albert, isa itong banta, kung ang mga plastic na ito ay di magkakaroon ng proper recycling at ang mga single use at mga toxic plastic ay hindi ma-decompose ng tama, ito ay hahalo sa ating marine habitat at makakasira sa ating marine environment kung ito’y magpapatuloy at hindi mapigilan mauuwi ito sa panganib sa taong 2050.

Batay sa pag-aaral ng mga siyentipiko, umaabot na 17 milyon plastic ang nasa mga karagatan noong 2021 ang nakolekta at naiipon sa Materials Recovery Facility (MRF) na nagdulot ng pag-kasira ng marine hapitat.

Kabilang pa sa naging sanhi ay ang illegal dredging o pagmimina sa sea floors, dynamite fishing at cyanide fishing, oil spill na lumalason sa mga yamang dagat, ocean na sification o pagtaas ng acidity ng tubig dagat, dahil sa dami ng mga karton na ina-absorb nito mula sa ating atmosphere ito ang ilan sa mga pinakarason kung bakit nagkakaroon tayo ngayon ng malawakang biodiversity loss sa karagatan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here