Home METRO Daang halaga ng mamahaling armas nasakote sa Guadalupe 

Daang halaga ng mamahaling armas nasakote sa Guadalupe 

208
0
Larawan kuha ni Val Leonardo

MANILA, Philippines- Tatlong matataas na kalibre ng baril ang nasabat ng mga operatiba ng Southern Police District at NCRPO mula sa tatlong suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Guadalupe Nuevo sa Makati City.

Iprinisinta nina NCRPO Director PMaj General Anthony Aberin at SPD Director Bgen Arguelles ang high fowered firearms na kinabibilangan ng tatlong 5.56 caliber long fire arms at isang kalibre 45 baril at mga bala at mga magazine.

Ayon kay General Aberin, ang mga naturang armas ay nagkakahalaga ng higit P150,000 bawat isa at posibleng may pinansyer ang tatlong naarestong suspek na kinabibilangan umano ng isang dating miyembro ng media.

Kulang-kulang din aniyang isang buwang isinailalim sa surveillance operation ang mga suspek bago isinagawa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong suspek.

Sinabi ni Aberin na nagmula pa sa Cavite ang mga ibinebentang armas ng mga suspek.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng NCRPO ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng patong-patong na kaso, habang isinasagawa na ang malalimang imbestigasyon sa kanilang modus. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here