Home ENTERTAINMENT Ka Freddie, pumanaw na, 72!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ka Freddie, pumanaw na, 72!May 27, 2025 13:451160 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Muli na namang nalagasan ang industriya ng musikang Pilipino.Pumanaw nitong May 27, Martes dakong 1:30 ng madaling araw si Freddie Aguilar sa Philippine Heart Center.The music icon was 72.Naulila ni Kaka Freddie ang kanyang asawang si Jovie at mga anak.Makalawang beses siyang nag-asawa.Taong 2013 nang magpa-convert si Freddie sa Islam para mapangasawa ang 16 anyos na nobya.Ang kanyang pagpanaw ay kinumpirma ng naging kasama niya sa Partido Federal ng Pilipinas kung saan humawak ng puwesto si Freddie.Nag-post din si Vivian Velez ng pagpanaw at pakikiramay sa naulila nitong pamilya.Nagsimula si Freddie bilang street musician at folk club performer sa Olongapo.Hindi nagtagal, nakapagtanghal siya sa mga joints sa Maynila.Ang awiting unang-unang papasok sa isipan ng bawat Pilipino ay ang awitin niyang Anak na isinalin sa 29 lengguwahe.Sumikat din ang mga makabayang awitin ni Freddie.Kung matatandaan, tumakbong senador ang iconic singer ngunit hindi ito pinalad.Habang sinusulat ito ay hindi pa inilalabas ng kanyang pamilya ang funeral details.Among Freddie’s children, si Megan ang nakamana sa talento ng ama.Magugunita ring naging masalimuot ang relasyon ng mag-ama, pero nagkaayos din sila kinalaunan.Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naulila ni Ka Freddie Aguilar. Ronnie Carrasco III