Home NATIONWIDE CFO sa Pinoys: Nomad visa program tangkilikin

CFO sa Pinoys: Nomad visa program tangkilikin

172
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) ang mga global Filipinos at kanilang network na samantalahin ang bagong Digital Nomad Visa (DNV) program, alinsunod sa Executive Order 86.

Pinapayagan ng DNV ang mga dayuhan at balikbayan na nagtatrabaho nang remote para sa banyagang employer na legal na manirahan sa Pilipinas nang hanggang isang taon (renewable).

Ayon kay CFO Chair Dante Ang II, ang Pilipinas ay ideal para sa digital nomads dahil sa abot-kayang gastos, maayos na koneksyon sa internet, at mayamang kultura.

Sinusuportahan ng DNV ang mga layunin ng bansa sa digital transformation at inclusive growth.

Kailangang patunayan ng aplikante ang remote work, income mula sa ibang bansa, kawalan ng criminal record, at may bisa na health insurance. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here