Home NATIONWIDE Halfway houses itatayo ng BuCor para sa mga PDL na nakatakdang lumaya

Halfway houses itatayo ng BuCor para sa mga PDL na nakatakdang lumaya

252
0

MANILA, Philippines- Iniutos na ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang pagtatayo ng halfway houses sa lahat ng prisons at penal farms.

Sinabi ng BuCor na ang halfway houses ang magsisilbing pansamantalang tirahan ng persons deprived of liberty (PDLs) na naghihintay na lamang makalaya.

Ipinasusumite na ni Catapang ang magiging plano at disenyo ng bawat halfway house maging ang magiging budgetary requirement.

Inatasan ni Catapang ang mga opisyal ng prisons at penal farm na tukuyin ang mga lugar na maaaring pansamantalang tuluyan ng mga PDL na nakatakdang palayain. Layon nito na maihiwalay na sila sa general jail population habang isinasaayos ang halfway house.

Iginiit ni Catapang ang kahalagahan ng mga programa habang nasa halfway house ang mga PDL.

Kabilang dito ang counselling sessions, orientation activities, interviews at mga short courses.

“This holistic approach recognizes that preparing individuals for reintegration involves more than simply setting them free but it requires equipping them with the tools to navigate societal challenges effectively,” ani Catapang. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here