Ganito katagal ang pagsasama bilang mag-asawa sina Jessica Rodriguez at David Bunevacz.
Ngunit sa isang iglap, Jessica had to make an important yet painful decision: ang hiwalayan ang dating atleta.
Prior to settling in the US, kilala si Jessica bilang artista, host at talent manager.
Tinalikuran niyang lahat ito in favor of building a family.
Sa kasamaang palad, na-involve si David sa isang vaping business scam bukod sa nagumon sa pagsusugal nang walang kaalam-alam si Jessica.
Sabit si David sa US$28 million scam o katumbas ng P1.5 biilion which landed him in jail.
Ayon sa panayam ni Ogie Diaz kay Jessica, dumating na raw siya sa puntong she lost her identity.
Makalawang beses na raw kasing nangyari ‘yon sa kanya.
Although Jessica pictured David to be a perfect husband who loved her so much and treated her like a queen, sumobra raw ang pagiging dependent niya rito.
Nang magkaproblema na’y hindi raw alam ni Jessica how to get her life started anew.
Right now, David is facing more than 17 years of imprisonment at pinagbabayad pa ng danyos na aabot sa US$38 million.
Although Jessica hasn’t seen him for more than a year, maayos naman daw ang kalagayan nito sa facility kung saan ito nakapiit.
Sa ngayon, pilit na bumabangon si Jessica mula sa kawalan.
Having experienced pawning her jewelry noong walang-wala na siya, para makabawi ay dala-dalawa ang kanyang trabaho to survive.
Jessica believes na kung narito lang daw siya sa Pilipinas ay mas madali siyang màkakaahon.
Good thing, mga kapwa Pinoy rin ang tumutulong sa kanya.
Isa na rito si Niño Lim na asawa ni Krista Ranillo who owns a chain of supermarkets in the US.
Nagagamit daw ni Jessica ang kanyang marketing skills.
All told, may mga aral na natutunan si Jessica mula sa kanyang karanasan na ibinabahagi rin niya sa kanyang mga anak.
That is–huwag gawing “crutch” ang kanilang karelasyon: “Learn to walk on your own…take care of yourself!” Ronnie Carrasco III