MANILA, Philippines- Walong wage adjustment petition na nagtutulak ng P555 na dagdag sa sahod ang inihain sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa National Capital Region (NCR).
Sa abiso ng NCR wage board inihain ang mga petisyon noong Mayo 22 ng mga sumusunod na grupo:
Vanson Paper Industrial Workers Union,
Samahang Manggagawa sa Philippine Span Asia Carrier Corp.,
Samahang Manggagawa ng Jardine Schindler Elevator Corp.,
Himlayang Pilipino Inc Labor Union,
Kaisahang Manggagawa ng Himmel,
Pambato Cargo Forwarder Labor Union,
Nagkakaisang Samahan ng mga Manggagawa ng Regan, at
Universal Robina Corporation Employees Union-Farm Division






