MANILA, Philippines- Binabantayan ang low pressure area (LPA) na natukoy sa labas ng Philippine Area of Responsibility kahit na sinabi ng weather bureau PAGASA na malabo itong mabuo bilang tropical depression sa susunod na 24 oras.
Subalit, iiral ang isolated rains sa ilang bahagi ng bansa dahil sa trough ng LPA at sa easterlies, ayon sa PAGASA.
Makararanas ang Palawan, Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa trough ng LPA.
Inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms” dahil sa easterlies.
Sumikat ang araw ng alas-5:26 ng umaga at lulubog ng alas-6:21 ng hapon. RNT/SA