ZAMBOANGA CITY- Mahigpit na mino-monitor ngayon ng Health Office sa posibleng pagkakaroon ng monkeypox sa lungsod dahil sa limang katao ang hinihinalang may kaso ng nasabing sakit.
Ayon kay City Health Officer Dr. Dulce Miravite sa isang press conference noong Miyerkules, Mayo 28, hindi na pinangalanan ang mga indibidwal ngunit sinabi ni Miravite na mula sila sa mga lugar ng central, east, at west coast ng lungsod.
Kasalukuyan silang naka-isolate matapos makitaan ng sintomas ng monkeypox.
Samantala, tatlong dating hinihinalang kaso east coast ang idineklarang negatibo. Sila ay naiulat na na-expose sa isang tatlong taong gulang na bata mula Tungawan, Zamboanga Sibugay—ang unang naitalang kaso sa lalawigan. Mary Anne Sapico