TOKYO- Nagkasundo sina Japanese Foreign Minister Takeshi Iwaya at kanyang Philippine counterpart na si Enrique Manalo, nitong Miyerkules na paigtingin ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa at ng United States upang isulong ang malayang Indo-Pacific.
Magkakasa ang top diplomats ng maritime consultations at vice-ministerial strategic dialogue sa pagtatapos ng taon.
Ikinatuwa rin nila ang pagsisimula ng diskusyon sa information protection agreement at negosasyon sa acquisition and cross-servicing agreement, kasunod ng summit sa pagitan nina Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba at Philippine President Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang buwan.
Gayundin, kinumpirma nina Iwaya at Manalo ang kanilang kooperasyon upang tulungan ang Japanese-Filipinos na naiwan sa Pilipinas pagkatapos ng World War II. RNT/SA