Home NATIONWIDE House Educ Chairman ‘di pa rin kumbunsido sa pagiging epektibo ng K-12...

House Educ Chairman ‘di pa rin kumbunsido sa pagiging epektibo ng K-12 program

343
0

MANILA, Philippines- Mismong si House Education Chairman at Pasig City Rep. Roman Romulo ay hindi kumbinsido na epektibo ang ipinatupad na K-12 program ng gobyerno.

Ayon kay Romulo, 13 taon na mula nang ipatupad ang naturang programa ngunit hanggang sa kasalukuyan, ang graduates ng K-12 ay nanatiling “unqualified” para sa trabaho.

Aniya, ang K-12 ay ginawa upang mas maagang maihanda ang graduates na makapagtrabaho subalit ang mga kompanya ay mas nais pa rin ang college graduate bilang mga empleyado kaya bandang huli ay lumalabas na diskwalipika ang Senior High School (SHS) graduates.

Inihalimbawa ni Romulo ang graduates ng Technical-Vocation-Livelihood (TVL) track na binibigyan ng National Certificate Level 2 (NC2) na gaya lamang din ng nagtapos din ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) courses.

Mas mainam pa ang TESDA graduate dahil ilang buwan lamang sila nagsanay kumpara sa senior high school program na dalawang taon.

“Sa TESDA schools nakakabigay sila ng NC2 for three months, six months or one year of training, bakit sa DepEd, kailangan ng two years, tapos NC2 lang” paliwanag ni Romulo.

Puna pa ng mambabatas na ang SHS graduates ay hindi pa rin kayang makipagsabayan sa mga college graduate. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here