MANILA, Philippines – Lima ang patay at lima ang sugatan matapos mahulog ang isang dump truck sa bangin sa Barangay Pichon, Caraga, Davao Oriental.
Base sa imbestigasyon na may sakay na 10 katao ang dump truck, kabilang ang driver, at may kargang graba.
Ayon kay Police Corporal Rhym Pamaclawan, pababa na ito patungong Sitio Bantawan kung saan may ginagawang kalsada nang mawalan ng kontrol ang sasakyan at mahulog sa bangin na may lalim na 80 metro.
Lima, kabilang ang isang engineer, ang nasawi matapos maipit sa ilalim ng truck at graba. Sugatan naman ang driver at apat na pasahero na agad isinugod sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. RNT