Home HOME BANNER STORY Arnie Teves ikukulong sa Bilibid — NBI

Arnie Teves ikukulong sa Bilibid — NBI

265
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng National Bureau of Investigation (NBI) na ililipat ngayong Biyernes ng umaga si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa pasilidad ng NBI sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Si Teves, na pinaghihinalaang utak sa pagpaslang kay dating Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso 2023, ay dumating sa bansa Huwebes ng gabi matapos ipadeport mula Timor-Leste kung saan siya humingi ng asylum.

Matapos dumaan sa booking at medical examination sa NBI Manila, ihaharap muna siya sa media bago ilipat sa Building 14 — isang pasilidad na ginagamit ng NBI pero hiwalay sa BuCor.

Mariing itinanggi ni Teves ang pagkakasangkot sa mga pamamaslang. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here