MANILA, Philippines – Lumabas sa isang survey ng Stratbase at Social Weather Stations (SWS) na 87% ng mga Pilipino ay nais na unahin ng bagong Senado ang reporma sa edukasyon sa darating na ika-20 Kongreso.
Ginawa ang survey bago ang midterm elections noong Mayo 12, na nagpapakita ng malakas na suporta sa pagpapabuti ng access sa edukasyon sa pamamagitan ng mas mahusay na pampublikong sistema, mga scholarship, at vocational training.
Kabilang din sa iba pang prayoridad ng mga Pilipino ang pagsulong ng agrikultura, pagpapalakas ng healthcare, pagpapalawak ng social welfare, pagtaas ng sahod, paglikha ng trabaho, kontrol sa presyo, at transparency sa gobyerno.
Lumahok ang 1,800 rehistradong botante sa buong bansa para sa survey. RNT