Home METRO Bulkang Taal bahagyang sumabog

Bulkang Taal bahagyang sumabog

268
0

MANILA, Philippines – Nagkaroon ng minor phreatic eruption ang Bulkang Taal noong gabi ng Mayo 29, 2025, kung saan nagbuga ito ng puting usok na umabot sa 1,500 metro taas.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang pagputok ng steam-driven o phreatic eruption bandang 9:22 ng gabi at naitala ito gamit ang thermal camera sa Buco Observation Station.

Sa mga nakaraang araw, patuloy na naglalabas ng sulfur dioxide ang bulkan, kung saan umabot ito sa 6,289 metric tons noong nakaraang Miyerkules.

Nagbigay ng babala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga residente malapit sa bulkan upang maging maingat. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here