Home METRO Mahigit 2,000 pulis ipinakalat sa Central Luzon para sa night patrol

Mahigit 2,000 pulis ipinakalat sa Central Luzon para sa night patrol

238
0

PAMPANGA — Mahigit 2,000 pulis ang ipinakalat sa iba’t ibang bahagi ng Central Luzon simula Miyerkules upang paigtingin ang seguridad at mabawasan ang kriminalidad sa gabi.

Ayon kay PRO-3 Regional Director Brig. Gen. Jean Fajardo, bahagi ito ng kampanya ng Philippine National Police (PNP) para magkaroon ng mas ligtas at disiplinadong komunidad.

“Ang mga operasyong ito ay tugon sa panawagan ng Pangulo para sa isang mas ligtas at disiplinadong lipunan,” ani Fajardo.

Nakatuon ang deployment sa mga urban centers, probinsyal na kabisera, commercial districts, transport terminals, at iba pang matataong lugar sa rehiyon.

Binubuo ang mga patrol team ng mga personnel mula sa iba’t ibang Police Provincial Offices at Regional Mobile Force Battalion. Gamit nila ang mga makabagong teknolohiya tulad ng crime mapping, incident analysis, at predictive policing upang mapabuti ang kanilang operasyon.

Tiniyak ni Fajardo na naka-alerto ang kapulisan sa rehiyon 24/7 upang protektahan ang buhay, ari-arian, at katahimikan ng bawat komunidad. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here